pinakabagong salawikain ng pilipino
*An apple a day... makes efren bata reyes and ronnie alcano cry
everyday.(they have NO TEETH)
*Aanhin pa ang damo, kung patay na c diego.
*Kapag maiksi ang kumot.. mura lang.
*Papunta ka pa lang... cge ingat!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, tumatakas
*Kapag may usok, may mamamatay na lamok.
*Walang matiyagang lalake.. na manligaw sa mukhang binabae.
*Kung walang magpapaloko... hindi tatakbo si gloria arroyo.
*Ang taong mainggitin, panget.
*Behind the clouds, are airplanes.
*Ang sakit ng kalingkingan, dapat ipatingin sa doktor.
*Pag may usok... bka nsa langit kana!
*Magkulang ka na sa magulang... huwag lang magkulang sa tubig habang naghihilamos.
*Kapag bukas ang kaban, nakalimutang takpan.
*Kapag ang ilog ay tahimik, walang nagsi-swimming.
*When all else fails... buti nga bhelat!
*Sa larangan ng digmaan.. nakikilala kung sino ang bading.
*An apple a day... makes the fruit vendor rich.
*Pag may usok, mas maganda ang show dahil may special effects.
*Batu-bato sa langit, ang tamaan sana mga kagalit
*Ang taong naglalakad nang mabagal... may paltos.
*Papunta ka pa lang, ako rin sabay na tayo!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, nasa moon.
*Magkulang ka na sa magulang... huwag lang magkulang sa tubig habang naghihilamos.
*Habang may buhay... txt tayo!
*Kung pukulin ka ng bato.. tinapay ang iganti mo, na may lason!
*Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing,
saka nang maluto'y iba ang kumain.. bwisit na pusa yan. amf!
*Huwag magbilang ng manok, kung duling.
*Better late.. than never txting!
*Kapag maiksi ang kumot... sa baby ipagamit.
*Kapag ang puno mabunga... maraming mapipitas.
*Magkulang ka na sa magulang... huwag lang sa pagiisip!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, may rayuma!
*Ang iyong kakainin, sa kaldero manggagaling.
*Tell me who your friends are... and ill tell you who is cute!=)
*Ang taong naglalakad nang mabagal.. matanda na.
*If you cant beat them... i2yak mo nalang.
*Ang iyong kakainin, itatae mo rin.
*Magbiro kana sa lasing.. wag lng s matsing, dka mage2ts non!
*Ang taong naglalakad nang mabagal, nagtetext.
*Ang taong ngigipit.. lahat ng pwedeng utangan kinukulit.
*Kapag maiksi ang kumot... cute.
*Kapag ang puno mabunga.. maraming mamimitas.
*Pag may usok.. kawawa ang may hika!
*Ang taong naglalakad nang mabagal.. bagong tuli.
*Ang taong naglalakad ng matulin... magling sa walkathon.
*Ang taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan... adik sa
text.
*Laging nasa huli, ang pinakamatangkad.
Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin (maaring guni-guni na lang o kasaysayan na lang sa mga bagong henerasyon) noong wala pang KAUNLARAN...
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay,
kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic,
o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office
o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa,
mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na
maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na
maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ;
sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:
kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba,
turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip
Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. .
di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila
tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon...< /P>
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag
maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan
ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado na tin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno;
pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman
ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas;
tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon;
naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya
ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;
matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -
alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang
libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan;
ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;
ang duhat kapag inalog sa asin;
ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na amirol ang mga punda at kumot;
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba?
Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin:
"sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;
kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo;
meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
Louie Zoleta <louiezoleta@ yahoo.com> wrote: ang saya manding gunitain ang lahat ng nakaraan.
natatandaan ko pa noong bata pa ako:
palagi naming almusal ay saging, balinghoy at minsan naman ay ube (kapag tanghalian at hapunan kami nakain ng kanin)
ito ang mga luto:
1. pag hilaw ang saging, abalatan muna (magalagay muna ng langis ng niyog sa mga kamay, para hindi dumikit ang mga dagta), tapos agayat-gayatin ng maninipis para gawing sinugno (yun bagang ginataan), madalas asin ang nalagay ng tatay ko nun, dahil wala ngang pambili asukal, imbes na bumili ng asukal para sa saging (para naman medyo masarap kaiinin), abili na lamang ng bigas para sa tanghalian
2. minsan niyubak na saging ang aming almusal, 5 am pa lamang gising na ang tatay para lagain ang saging, pagkatapos ng ilang minuto luto na, tapos agisinging na kami para balatan ang saging na bagong luto, pagkabalat diretso sa yubakan para madaling madurong habang mainit pa. asamahan pa ng kinayod ng "bingi" na niyog
3. pag hinog, (masaya kami dahil masarap ang aming agahan, syempre matamis yon dahil hinog sa puno), alagain lamang yun ni nanay. minsan naman ay agat-an din pero may kasamang kaunting asin (agaw ang tamis at alat na lasa [o di baga masarap?])
4. kung balinghoy, nilupak din madalas ang putahe, minsan nilaga lamang, tapos asawsaw lamang sa bagoong
5. mas enjoy ang agahan kung minatamisang ube ang almusal, syempre may panahon laang kung kailan makahukay ng ube kaya medyo espesyal naman ang pagkakaluto.
sa iskul, pag tapos na ang klase hindi na kami na attend ng flag retreat, dahan dahan na kaming mapunta ng iba kung kaklase sa likudan ng iskul para makauwi na agad. at sa likod ng iskul natalon kami sa mataas na pader, diretso sa bayabasan para manguha ang mga hinog at makain namin habang nagakalakad pauwi ng aming mga bahay. malayo ang iskul sa bahay namin (2 kilometers) at hindi pa uso ang sakay sa tricyle noon. lahat kami nagalakad papasok sa iskul at pauwi sa aming bahay. habang nagalakad pauwi, may mga nadadaanan kaming mga hinog na santol, nabato namin yun at agawan na kami pag may nahulog na bunga. may baon na rin kaming tanghalian na nakabalot sa dahon ng saging. kapag may exam
masaya din kaming nagaligo sa mga libtong (malalim at malawak na parte ng ilog), yung ang nagawa naming swimming pool, na kapag madami na ang nagaligo ay nalabo na agad at kunting sandali laang ay nakarinig na kami ng sigaw ng mga nagalaba sa ibaba. minsan kapag di nakapag paalam sa nanay at tatay ay may palo sa puwit pagdating ng bahay.
mariam garcia <mariam_g15@ yahoo. com> wrote:
di laang ako napangiti napahalakhak pa. tutuo ka pare, kapayapaan ang madarama sa pagbalik ala-ala sa kapayakan ng buhay noong una. at talagang nakakamis ang simpleng buhay. pero kung papansinin laang natin, mukhang pabalik na tayo sa kapayakang iyon......pahirap na ng pahirap ay. pinorward ko agad ito sa mga kalaro ko noong bata ako at sigurado ko na mapapahalakhak din sila katulad ko. nakakamis talaga...... .haaay buhay, parang life.
Tumatanda Ka Na Ahhhhhhhhhhhh....
*kumakain ka ba ng aratilis at bubot na
bayabas?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing
soapy bubbles na hihipan mo sa binilog
na tanggkay ng walis tingting?
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo
pag hapon at di ka papayagan maglaro
pag di ka natulog?
*marunong ka magpatintero, saksak
puso,langit- lupa, teleber-teleber, luk
song tinik?
*malupit ka pag meron kang atari,
family computer or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down,
down, left, right, left, right, a, b,
a, b, start? (30 lives)
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy
London , Cross Colors, Esprit, Blowing
Bubbles at pag nakakakita
ka ng Bench na damit eh naalala mo si
Richard Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears,
my little pony,thundercats, bioman,
voltes v, mazinger z, daimos, he-man at
marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak
ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
*nung high school ka inaabangan mo lagi
beverly hills 90210?
*gumagam it ka ng AQUANET para pataasin
ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung
babae ka at meron kang sapatos na
mighty kid kung lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries
at mahilig ka magpa pirma sa slumbook
mo para lang malaman mo kung sino ang
crush ng type mo?
*kilala mo si manang bola at ang
sitsiritsit girls?e si luning-ning at
luging-ging?
*idol mo si McGyver at nanonood kang
Perfect Strangers?
*eto malupet... six digits lang ba ang
phone number nyo dati?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3
bentesingko lang ang dala?
*cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga
at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
*inabutan mo ba na ang Magnolia
Chocolait eh nasa glass bottle pa na
ginagawang lalagyan ng tubig ng
nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming
compartments
na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
*noon mo pa hinahanap kung saan ang
Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus"
at"alagang-alaga namin si puti"?
*sosyal ka pag may play-doh ka at
Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe
action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng
bulaklak at yung diyes na square?
*meron kang kabisadong kanta ni Andrew
E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
*laging lampin ang sinasapin sa likod
mo pag pinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at
bazooka bubble gum... tira-tira, at
yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?
*takot ka dumating ang year 1999 dahil
sabi nla magugunaw daw ang mundo?
KUNG ALAM MO L AHAT DITO LAGPAS KA NA
NG 25 YEARS
OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA
23-35 KA...
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA
LANG...
DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA
JEEP NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN
DEW?
Sulat ni Tatay at Nanay.....
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging
makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. RoblesCWL Spiritual DirectorSt. Augustine ParishBaliuag, Bulacan
Anak
Dear Son,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring
magbasa. Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong
biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address
dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila
magpapalit ng
address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila .
Dalawang beses lang umulan
sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo
dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa
ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at
magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw
bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", eh aba namalat na ako sa
kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng
bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE", wise
yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na
magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa "Federal Express" medyo mahal
daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na
lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit
mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mg nasalanta ng bagyo, hindi ko na
pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500
na tao sa ilalim niya. Nag- gugupit siya ngayon ng damo sa memorial
park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o
lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love,
Papa
Ang Sakit Naman....
Tumatanda ka na, tol. [>:)]
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate
ka na sa Classic MTV.
Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.
Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!"
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning.
Parangbotika na ang cabinet mo.
May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko
biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw
na liempo, pusit, at kung anu-ano pa.
Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at
oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol s! a kumpanya ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema
ka.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera
at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder".
Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi
talaga totoong pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe,Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM.
Alipin ka ng BIR.
Alipin ka ng Internet.
Alipin ka ng YM, chat, o minsan naman ay cybersex.
Alipin ka ng ng video games, PSP, X-box at kung anik-anik pa...
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instantpancit canton.
Ngayon, dapatmay kasamang italian chicken ang fettucine alfredomo.
Masaya ka na noon pagnakakapag- ober-da-bakod kayo para makapagswimming.
Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera anglugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig
Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang
sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo
kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin
makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta
anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na
nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo. [:D]
Buhay Call Center.....
Nasa call center ka? Ito kana hehehe .......
BUHAY CALL CENTER: 100 YAN!
1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo. 2. pag sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel... example: *toot* .... thank you for calling (the company) this is (your name) how may i help you?
3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na lang para fresh pagka kolls uli, mya na yung 1 hour nap.
4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.
5. marami ka nang naiipong jacket... nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.
6. sanay kang maglaka-lakad ng nakamedyas.
7. an tawag mo sa mga friends mo...dude, bro, coach,tl, sup.
8. di na dugo ang dumadaloy sayo... kape.
9. pinepeke mo na wag maging slang pag nagbabayad ka sa tindahan o kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka... masama pa, mas panget pakinggan.
10. tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan mo.
11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.
12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.
13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.
14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang... sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh.
15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.
16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner moi pag uwi mo sa umaga.
17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.
18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.
19. nde ka na kilala ng aso nyo
20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.
21. wala ka nang alam na balita.
22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na't alam mong successful lahat ng ka-batch mo.
23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.
24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..
25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..
26. pag payday... olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P 27. pag day off mo n lang ikaw nkakapaanood ng Eat Bulaga
28. Nde mo na kilala ang mga bagong artista.
29. nde mo n alam itsura ng mall...
30. di ka na maebs sa bhay, sanay ka na sa cr ng 5th floor or ibang floor.
31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker
32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!
33. alam mo kung sino si Avaya at si Nortel
34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising... kakabangon lang galing sleeping area.
35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pndot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas.
36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.
37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)
38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila
39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!
40. mabilis k ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo...
41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala
42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe
43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine
44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!
45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na
46. sanay k na makarinig ng napakalakas n pag singa ng sipon.
47. marami ka ng naipon na microwavable container
48. marami kang ketchup packs galing mcdo at julibee
49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng ticket..
50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan
51. pag gumagamit k ng cr,, d ka na nagpa-flush. . kc akala mo kusa n lulubog ebs mo.
52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..
53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-OB.
54. akala mo mo may sarili kang locker sa bahay nyo.
55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english
56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwuatro ng umaga
57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. Minsan kabit pa. wala ka ng time maghanap sa labas.
58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at cookies.
59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..
60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay
61. kala mo libre ang kape sa select...
62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.
63. pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl...
64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay
65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep
66. naka id ka pa kahit nasa jeep
67. kaya mong tiisin na nde palitan ang damit mo ng 16 hours
68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo... sabihin mo msn.com (hahahaha!) kasi pag sinabi mong passport, hindi nila alam yun.
69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.
70. madalas mo harangin ang mga calls
71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.
72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!
73. gusto mo nang lumipat sa makati
74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, magsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!
75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. yan ung kausap ko kanina!!!
76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na at alam mo na ang gagawin: RELEASE!
77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo
78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang TV. sa office parang limang na TV ang nakatapat sayo habang may kausap.
79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom
80. may picture ka ng nakasuot ng headset
81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. ndi pwede pahuli.
82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.
83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala
84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang naka-mute at nakikinig sa usapan nila
85. yung ex mo may kasama ng iba
86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.
87. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon, shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt, prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits...
88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave
89. palaging matabang ang kape sa office.
90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ka na ng memo
91. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.
92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa
93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng kape.
94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.
95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pgkain sa pantry.
96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit,deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon...
97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel's pancit canton, wendy's. north park, starbucks
98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa ng C shift.
99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!
100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig na naman na paulit-ulit ang suot mo.
Ang Katotohanan
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW– Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.
Tumatanda rin ang OFW- Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
Matindi ang OFW– Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malas ng OFW, swerte ng pulitiko– Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.
Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.
Matatag ang OFW– Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?
Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka), iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.
Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
EX sa Tamang Panahon
AnG PaGmaMahaL duMadaTinG
sa
TaManG
oRas At TamaNg paGkaKataOn..MinsaN
SiniSiSi Pa NatiN anG saRiLi NaTin KuNg
BaKiT
NgaYon Mo LaNg NaLamaNg MahaL Mo
Sya..
KunG aLam Mo LaNg...
NgaYon Mo LanG Yon NaLaMan Kasi EtO
YunG
TiNataWag Na "TAMANG PANAHON"..
SoMe ThiNk Of LoVe As a PasT TimE..FLinG
At
TrIp LaNg..YunG MaHaL Nya NgayOn..BuKas
HiNdi Na...BoYfriENd Nya NgaYon Pero
TaNggaP Nya Na IsaNg aRaw TaTawaGin
Nya
din Yung "EX"..
MataGal Nga,,inaAboT pa Ng taOn pErO
ILaNg
taoN??1? 2? 3? Tapos PaG
nagKakaSawaAn na
NagAAyaWaN Na At MaY iBa NamaN Na
NagTataGal LanG ng TaoN daHiL
naNghihiNayaNg sa PinagsamaHan...
BaTa Pa MasYado aNg
ganoNg magmahaL...
MaY iBa NaMaN Na MasYadOng SeryoSo At
SenSiTiBo Pag DatIng Sa baGay Na yAn..
YuNg
TipO Ng TaoNg haNdaNg iRisK AnG laHat..
MagBigaY.. MagParaYa.. PaRaLaNg DoN sa
TaoNg maHaL Nya.. MerOn PaNg Iba DyaN
Na
PiniPigiLaN YunG naRaRaNdaMaN Nya KasI
HigH ScHoOL PaLaNg O Di Kaya TeEnAgER
PaLaNg, GuSto Nya KasIng MaGiNg siLa
NuNg
taOng Yon Sa paNahoNg seryosoHan
Na..YunG
SiGuraDo Na Sya Na Yung TaoNg Yon Nga
ang
GuSto NyanG makaSama PaNghaBanG
BuhaY..KumBaga "TAMANG PANAHON"..
ThErE's This QuOTaTioN SaYinG:
"i dont care how many lips u'vE kisd....
i dont care how many women u've embraced
i dont care how many ladies heard u say u
love dem....ol i care is d future...
not to be u'r FIRST but to be u'r LAST"..
MaSaRap MagmaHaL nG TaOng MahAL ka
Din..YunG feELiNg Nyo SouLmaTe Kayo..
KAYA KUNG PARA SAYO TALAGA
SIYA..ILANG
TAON MAN KAYO DI MAGKITA.. ILANG TAO
MAN ANG MAHALIN NIYA.. GAANO MAN SIYA
KALAYO O MARMI MANG HADLANG..
MAGKIKITA PA RIN KAYO KUNG TALAGANG
PARA KAYO SA ISA'T ISA...
pAg-iBiG???....
HinDi HinahaNap Yan..Kusa yAnG
duMaRaTinG sa "TAMANG PANAHON"..
Sino nag-uuwi ng trabaho???
pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay...
na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa. maghapon ka na ngang
wala, pag-uwi mo wala ka pa ring panahon sa min ng mga anak mo...
yan ang kadalasang linya ng partner mo.
Oo nga naman, dapat balanse lang ang buhay... me panahon sa trabaho
at me panahon sa mga mahal sa buhay. yan ang dapat nating sanayin...
balanseng buhay para sa masayang pagsasama!
naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko. tahimik lang sila.... masaya,
at palagi kong naririnig na nagtatawanan. nguni't isang araw nagulat
ako sa aking narinig.... iyakan ng mga bata, galit na galit na
nanay. walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito... pasensya na
mahal ang dami trabaho baka di ko matapos e kailangang mai-deliver
na agad mga to. sa loob loob ko, minsan lang naman ata nag-uwi ng
trabaho di pa pinagbigyan.
tuloy pa rin ang sigawan, iyakan.... lubos na akong nabahala kaya
kinatok ko sila.pare, pare, okay lang ba kayo dyan? binuksan ng
babae ang pinto at galit na galit nagsumbong sa kin.... hay naku
pare, tanga tong pare mo nag-uwi ng trabaho dito sa bahay. sabi ko,
intindihin mo na mare, minsan lang naman ata ginawa eh,baka sobrang
dami lang talaga ng trabaho nya ngayon at me deadline.
Galit na galit ang babae na sinagot ako...ay tanga pare, alam mo
bang embalsamador ang asawa ko?
"Ang Turo ni Inay at Itay"
Si Inay tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE: "Kung
kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga lintik kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."
Natuto ako ng RELIGION kay Itay: "Kapag yang mantsa ng natanggal sa
carpet, magdasal ka na!"
Kay Inay ako natuto ng LOGIC: "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC: "Kapag ikay ay nalaglag
diyan sa bubong, akong mag-isa ang manonood ng sine!"
Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:
"Sige, ngumalngal ka pa at bibigyan talakita ng iiyakan mo!"
Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM: "Tingnan mo
nga yang dumi sa likong ng leeg mo, tingnan mo, tingnan mo!!!"
Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
"Huwag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos yang lahat ng pagkain
mo!"
At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER: "Lintik talaga
kayo, ano ba itong kwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo?"
At ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi, kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari din kitang
alisin sa mundong ito!"
Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION: "Tumigil ka nga
diyan! Huwag kang mag-aarte na parang Nanay mo!"
Si Inay naman ang naturo kung ano ang ibig sabihin ng GENETICS: "Nagmana
ka nang talaga sa Ama mo walanghiya!"
Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY:
"Maraming batang ulila sa magulang, hindi ba kayo nagpapasalamat at
mayroon kayong magulang na tulad namin?"
Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION: "Sige kang bata ka,
hintayin makarating tayo sa bahay!"
At si Itay pa rin ang naturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng
RECEIVING: "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR: "Kapay naputol
yang mga paa mong pinaglalaruan mong lawnmowwer, huwag na huwag kang
tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan namin kina Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE: "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"
How a 7-year old explained sex..
Little Johnny was 7 years old and like other boys his age rather
curious. He had been hearing quite
a bit about 'making out' from the older boys, and he wondered what it
was and how it was done.
One day he took his question to his mother, who
became rather flustered. Instead of explaining things to Johnny, she
told him to hide behind the
curtains one night and watch his older sister and her boyfriend.
This he did. The following morning, Johnny described EVERYTHING to his
mother.
"Sis and her boyfriend sat and talked for a while, then he turned off
most of the lights. Then he
started kissing and hugging her. I figured 'Sis must be getting sick,
because her face started looking
funny.
He must have thought so too, because he put his hand inside her blouse
to feel her heart, just the
way the doctor would. Except he's not as smart as the doctor because he
seemed to have trouble
finding her heart. I guess he was getting sick too, because pretty soon
both of them started
panting and getting all out of breath.
His other hand must have been cold because he put it under her skirt.
About this time 'Sis got worse and began to moan and sigh and squirm
around and slide down
toward the end of the couch. This was when her fever started. I knew it
was a fever, because Sis
told him she felt really hot.
Finally, I found out what was making them so sick......-a big eel; had
gotten inside his pants
somehow. It just jumped out of his pants and stood there, about 10
inches long, honest, anyway
he grabbed it in one hand to keep it from getting away.
When Sis saw it, she got really scared-her eyes got big, and her mouth
fell open, and she started
calling out to God and stuff like that. She said it was the biggest one
she's ever seen; I should tell
her about the ones down at the lake by our house!
Anyway, Sis got brave and tried to kill the eel by biting its head off.
All of a sudden she grabbed it
with both hands and held it tight while he took a muzzle out of his
pocket and slipped it over the
eel's head to keep it from biting again.
Sis lay back and spread her legs so she could get a scissor-lock on it
and he helped by lying on top
of the eel. The eel put up a hell of a fight.
Sis started groaning and squealing and her boyfriend almost upset the
couch. I guess they wanted
to kill the eel by squashing it between them.
After a while they both quit moving and gave a great sigh. Her
boyfriend got up, and sure enough,
they killed the eel. I knew because it just hung there, limp, and some
of its insides were hanging
out.
Sis and her boyfriend were a little tired from the battle, but they
went back to courting anyway. He
started hugging and kissing her again. By golly, the eel wasn't dead!
It jumped straight up and
started to fight again.
I guess eels are like cats- they have nine lives or something. This
time, Sis jumped up and tried to
kill it by sitting on it. After about a 35 minute struggle, they
finally killed the eel. I knew it was
dead, because I saw Sis's boyfriend peel its skin off and flush it down
the toilet.
"The end of wisdom is to dream high enough to lose the dream in the
seeking of it."
ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG TINATAMAD KANG MAGTRABAHO ?
1. Huwag aabsent.
2. Huwag male-late.
3. Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal.
Kunwari ay may hinahanap.
4. Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing
cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang
iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa
iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang
asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue
paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo.
Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas.
Malaking katipiran sa iyo.
5. Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at
magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga
dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I will bring that to your
office immediately. " Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng
maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.
6. Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch
kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na naisuot at kung
lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga
taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.
7. Pagkabalik mo sa iyong lamesa, buksan ang computer. Hintaying matapos
ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang
file... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta sa ccmail, tingnan ang
inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka
lamang sa Grade One.
8. Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti.
Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang
nagamit.
9. Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang
ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National
Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o ng pagtaas ng langis.
Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan
nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang
pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss.
10. Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour.
Kung may ita-type, magtype ng 10 wpm.
11. Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin
isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng 35,000 pesos isang
buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.
12. Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa
ibang department, makipagchikahan.
13. Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng
nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang mag-enjoy
ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na "time" na pala
para umuwi.
14. Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At
bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung gaano
kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng
tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.
ANG MGA BABAE AT LALAKE TALAGA OO..
gabi. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan
talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang
lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas
para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa
ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa
panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag
nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam
sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at
magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten
ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin
naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila
yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa
naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa
bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na.
Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake
kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila
tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo
ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng
damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na
mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na
bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa 'ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm..
nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay
lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang
kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at
lupa 'yon para saten.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag
sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake
kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo
ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted
at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang
magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo
ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka
dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan
sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan.
Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang
magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema,
kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng
ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal Alam mo yun,
iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang.
Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi
yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos,
iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang
kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi
na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need
f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice.
Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten.
Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at
parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng
"friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa
kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa
lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong
tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa
pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
ANG MGA LALAKI TLGA, OO
Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang
nagisa ang mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging
talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at
iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang
malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas
kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig
silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na
kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat
disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami
pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata? Chaka pag ligawan, kayo
nakakapamili ng liligawan nio dba? Kami makakapamili ba kami? hindi, no
choice talaga
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para
habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman
ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing
magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na
magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala
na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman
ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili
na at napagsawaan wala na, balewala na.
Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag
may gusto akong ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil
naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa.
Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya.
Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando,
aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang
maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino
rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging
devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang
tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung
anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok
lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang
magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo
ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang
magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami
nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin
niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman
kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming
magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun.
It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang
pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak
namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos
ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!
Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero
hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang
pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit
naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming
magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa
raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang
nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag
sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na
iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit
mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek.
Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa
iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan
ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan
na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila
laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.
Paano Kontrolin ang Emosyon...
HOW TO CONTROL EMOTIONS
This would give you guides on how to control your emotions towards
your better-half, friends, officemates and all the people around
you, especially your "boss". The rules of practicing "ugaling langit,
ugaling kaaya-aya" :
#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na
ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.
#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o
pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.
#3 Ang taong galit, 'bingi.' If someone is angry, wala raw
pinakikinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya
iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.
#4 Ang taong galit, 'abnoy.' Ayon sa pastor, Biblical daw ito?
because the Lord said when He was crucified, "Father, patawarin mo
sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Modern term for
these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para
huwag kang matawag na abnoy.
You should also know and realize that the persons who make your day
bad are jewel, because you need them for you to mature. Hangga't
andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God
will not take away those people; it's for you to take away your bad
feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating
'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have
learned to accept them and to have patience with them.
#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of
this
person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA
SA
MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.
KWENTO: "Kandila"
Pag dating ni Lando sa bahay, sabi ni Tekya, ang asawa niya,
"Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor. Sana naman eh lalake na. Pero huwag mong sabihin kahit kanino, baka mapahiya lang ako kapag di nagkatotoo."
Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco. Pagbukas ng pinto, sabi
ng collector, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan."
"Kanino mo nalaman ito?" tanong ni Tekya.
"Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng taga-Meralco.
"Talaga? Nakasulat sa records ninyo?"
Sa sumunod na araw, si Lando ay sumugod sa Meralco at galit na galit
pagdating sa counter: "Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang
misis ko?
"Konting pasensya lang. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito,
magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyado.
"Eh, kung ayaw kong magbayad?" tanong ni Lando.
"Puputulan ho kayo," sagot ng empleyado.
"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?"
"Pwede naman siyang gumamit ng kandila Sir, di ba?"